Episodes

Thursday Jul 30, 2020
Pwede na bang ibenta ang agricultural free patent? (Part 2)
Thursday Jul 30, 2020
Thursday Jul 30, 2020
Sa Episode 2 ng USAPANG LUPA, muling tatalakayin nina Attys. Erwin Tiamson at George Katigbak ang usapin ng Agricultural Free Patents: sino ang maaaring magkaroon nito, at kung paano tayo makakabenepisyo sa Agricultural Free Patent Reform Act o RA 11231. Sasagutin din nila ang ilan sa mga katanungan ng mga netizen sa ating Facebook page.
Si Atty. Erwin Tiamson ay isang land administration and management expert. Dati siyang Director of Lands ng DENR Land Management Bureau at Executive Director ng Land Administration and Management Project. Nakasama na siya sa iba't ibang land administration projects.
Bukod pa rito, nagtuturo rin si Atty. Tiamson ng Property Law and Land Titles and Deeds, at partner rin siya sa Pulido & Tiamson Law Office.
Samantala, si Atty. George Katigbak ay isang abogado at licensed environmental planner. Lagpas sampung taon nang kabilang si Atty. Katigbak sa mga nangunguna sa legislative advocacy ng DENR. Bilang environmental planner, prayoridad niya ang land use development, housing, at land management policies.
Comments (0)
To leave or reply to comments, please download free Podbean or
No Comments
To leave or reply to comments,
please download free Podbean App.